Dalawang taon na pala? 

Dalawang taon na pala ang nakalipas,

Bakit hanggang ngayon mga alala mo’y hindi pa rin kumukupas?

Sana’y naging damit na lang kita,

Na kapag niluma ng panaho’y gagawing basahan ng maruming bintana at lamesita.

Dalawang taon na nga ang nakakaraan,

Ano ba ang lunas sa isang pusong sugatan?

Naging doktor ka na lang sana, doktor ng puso ko,

At iyong itatanong “Anong masakit sayo? Halika dito, gagamutin ko”.

Dalawang taon ka ng walang kaganapan sa aking buhay,

Ngunit sa bawat hiling at dasal pangalan mo’y nadadamay.

Babalik ka pa kaya o tuluyan ng mawawala?

Sabihin mo naman upang hindi na ako tuluyang umasa sa wala.

Dalawang taon ka ng bumabagabag sa aking isipan,

Laking gulat ko ng makita ka sa aking harapan.

Nasa tamang oras na nga kaya ang ating istorya?

Maligayang pagbabalik nga pala. 💓

Leave a comment